Chapter 6

December 20, 2010

Jared Ramos

Dalawang araw rin ang nakalipas simula noong ipasyal ko si Luna sa carnival. It's really a night to remember para sa akin 'yun.


Kinausap ko rin si Luna kung pwede ko siyang ipakilala sa kaibigan kong si AJ.
Pumayag naman siya. Ngayon ang araw na ipapakilala ko si AJ kay Luna. Hindi pa rin naniniwala sakin si AJ, to see is to believe sabi pa niya kaya papatunayan ko sa kanya na totoo si Luna at hindi siya isang kathang isip.


Inilipat ko ang pahina ng binabasa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Agad ko naman itong tinignan at nakita ko ang text message ni AJ.

1 message received

FROM: AJ
Bro nandito na ako sa tapat ng bahay niyo.


Bumaba naman agad ako.
Pagkababa ko ay nandito na nga siya.

"Ang aga mo naman yata." bungad ko.


"Alam mo naman, maaga ako kapag chics ang pinapakilala sa akin.
" saad niya at naunang pumasok sa bahay. Sumunod na rin akong pumasok. Maaga pa naman, alas otso pa lang.


"Hello po tita magandang gabi po, dito po ako magdidinner ha?
" gulat na gulat ako sa sinabi ni AJ. Si mama naman ay ngumiti. Nilingon ko naman si mama at nagkunot noo ako bilang senyas.

Si AJ talaga, walang hiya. Minsan naiisip ko talaga bakit naging magkaibigan kami eh, kabaliktaran naman ng ugali niya ang akin.


Umakyat muna kami ng kwarto ko at nakasapatos siyang humiga sa kama.
Sinita ko naman siya pero hindi siya nakinig kaya hinayaan ko na lamang ito. Ang tigas rin kasi ng ulo niya. Wala rin akong magagawa.

"Tol excited na ako sa ipapakilala mo. Pag 'yan maganda akin na ha? Liligawan ko." asik ni AJ sabay kindat ar ngisi sa akin. Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Kakaiba talaga ito. Napaka-chic boy.


"Sira!
Walang ligaw-ligaw!" Sigaw ko tsaka ko siya binatukan.


"Aray!
" angal niya sabay hawak sa binatukan ko. Tumawa lang naman ako ng malakas.


"Hmm.
Siguro gusto mo na siya 'no? Kaya ayaw mong ligawan ko." asik niya. Nilakihan niya ako ng mata.


"Hindi ah!
" sagot ko naman. Kahit ang totoo ay hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Luna. "Siraulo ka eh. Anong ligaw-ligaw ka dyan, eh hindi mo pa naman nakikita at nakikilala."


"Sus!
Kunwari ka pa eh. Gusto mo siguro yun. Pinalitan mo na kaagad si Diana." napatigil ako sa sinabi ni AJ. Bigla kong naalala si Diana. Pakiramdam ko naging sunod-sunuran lang ako sa kanya ng tatlong taon. Nagpaniwala ako na mahal niya ako. Sana sinabi niya ang totoong rason na sawa na siya at hindi siya gagawa ng kwento na aalis na siya ng bansa. Tapos makikita ko lang pala na nandito pa siya.


Nag-usap lang kami ng kung anu-ano ni AJ.
Binatukan ko rin siya noong sabihin niyang kahit yung kapatid ko na lang daw ligawan niya. Kung anu-ano kasi ang nabibitawan niyang salita kaya gulat na gulat rin ako. Tinawag na kami ni mama para kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami ni AJ.


"Napapadalas yata ang labas mo tuwing gabi Jared.
" masiglang sabi ni papa.


"May pinupuntahan lang kaming kaibigan Pa.
" sagot ko sabay ngisi. Si AJ naman biglang sumabat.

"Naku tito sinabi niyo pa, babae pinupuntahan ni Jared." siniko ko ng mahina si AJ dahilan naman para tumawa si papa.


"Iho, baka pwede mong ipakilala sa amin 'yan.
Nasa tamang edad kana, wala ka pang naipapakilalang babae sa amin." tama si papa. Wala pa akong naipapakilalang babae sa kanila. Hindi ko pinakilala si Diana noong kami pa. Nahihiya kasi ako sa mga magulang ko.


Magsasalita pa sana si AJ pero inunahan ko na.
Tinakpan ko na kaagad ang bibig niya dahil baka ano pa ang sasabihin nito. Mahirap na. Napakadaldal kasi niyang klase ng lalaki. Baka isumbong pa na may naging girlfriend ako.


"Pa, alis na po kami.
" pagpapa alam ko kay papa at tsaka kami umalis.

Gulat na gulat naman si AJ noong nasa park na kami.


"Tol siya na ba yun?
" itinuro niya si Luna na nakaupo lang sa duyan. Nakadamit pa rin ng puting doll dress at hawak-hawak ang teddy bear niya. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa direksyon ni Luna.

"Magandang gabi Luna." bati ko. Tumingin naman si Luna sa amin tsaka rin ito bumati ng masigla. Gulat na gulat naman si AJ nang makita niya kung gaano kaganda si Luna. Halos mahulog ang panga niya sa kanyang reaksyon.

"Waaaaaaah! Tol ang ganda!" Tumitiling sigaw ni AJ.


"Huy umayos ka nga!
" sita ko. Ngumiti naman si Luna sa amin.

" Ah Luna, si AJ nga pala, kaibigan ko. AJ si----" hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko sa kanilang dalawa ng nauna nang magsalita si AJ.


"Ako si AJ, napakaganda mo namang binibini.
" pagpapakilala ni AJ. Nagshake hands naman sila. Yung tingin ni AJ parang tingin ng manyakis. Tinaasan ko lang ng kilay si AJ kaya umayos naman siya.


" Maraming salamat.
" tugon naman ni Luna. Umupo ako sa duyan. Umupo lang naman si AJ sa bench malapit dito sa amin. Kwinentuhan na naman ni AJ itong si Luna tungkol sa akin.


"Ikaw pala yung sinasabing crush ni Jared.
" pagsisinungaling ni AJ.


"Hoy AJ!
" sigaw ko. Kumuha ako ng maliit na bato tsaka ko ibinato sa kanya. Naiwasan naman niya ito at nag 'bleh' pa sa akin. Ngumiti naman si Luna sa ginagawa namin.


"Wala akong sinabi ha!
Imbento ka talaga!" pagtatama ko. Pero pakiramdam ko namumula ang pisngi ko kaya inasar na naman ako ni AJ. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang binibigay ni AJ sa akin.


"Jared...
" nahulog ako sa kawalan ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Si Diana.

She's here. Para akong nanigas na estatwa dahil nandito siya. Anong ginagawa niya dito?


"Ayieeee!
Moment ng mag-ex." rinig kong sabi ni AJ. Pinagmasdan ko naman si Luna kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.


"Anong ginagawa mo dito?
" tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" paki-usap niya. Agad naman akong tumayo mula sa duyan at naglakad palayo.


"Dito tayo mag-usap.
" sagot ko at sumunod naman siya. Baka ano pang sabihin ni Diana at marinig pa ng dalawa. Nagpaalam muna ako kay Luna at tumango lang naman ito at ngumiti. Hinayaan ko muna sina AJ at Luna doon.


"May pag-uusapan pa ba tayo?
" bungad ko at napasinghap ako ng malalim. Hindi ko siya tinignan ng diretso.


"Makikipagbalikan na ako.
" sumikip ang dibdib ko sa narinig ko sa kanya. Tama ba yung narinig ko? Makikipagbalikan siya? Matapos niya akong paniwalain sa sinabi niya?


"Para ano pa?
" galit na galit kong tugon. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Umupo ako tsaka hinawakan ang sentido ko.

"Jared, magpapaliwanag ako." nagmamakaawang tugon ni Diana.


"Go.
" maikling sagot ko. Hindi ko siya magawang tignan ng diretso.


"Sorry.
Gusto ko lang sabihin na cancelled yung flight ko. Nakiusap ako kay Dad na dito na lang mag aral. Pinilit ko siya para lang makasama kita." Parang may kirot sa dibdib ko sa mga binitawan niyang salita. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong may nakilala na akong bago.


"Pero Diana...
" wala akong masabi. Nagtatalo ang puso at isip ko.


"Pero ano Jared?
May bago kana ba?"
tanong niya sa akin.
Tumayo ako tsaka hinarap siya. Ngayon ay tinignan ko na siya mata sa mata.

"Wala." tipid kong sagot.


"Eh ano?
" reklamo nito.


"Bakit ka nakipaghiwalay sa akin?
Tamang rason ba ang hiwalayan ako dahil lang sa aalis ka?" sa wakas ay sumabog na ang kinikimkim kong galit. Pakiramdam ko may pumatak na luha sa mata ko.

"Alam kong mali, pero ayokong masaktan ka sa pag-alis ko kaya nakipaghiwalay ako. Pero nandito na ulit ako sa harapan mo." niyakap niya ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga ng maayos dahil galit na galit ako. Napakuyom ang mga kamao ko. Nagsimula na ring pumatak ang luha niya.

"Hindi sapat na rason yun." sambit ko. Parang wala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ang puso ko ba ang susundin ko o ang isip ko. Ang puso ba na nagsasabi na dapat mahalin muli siya o ang isipan ko na nagsasabing 'tama na' .

"Ayaw mo na ba?" tanong ni Diana sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Hindi ko alam." tanging sagot ko.

"Dahil ba sa babaeng yun?" itinuro niya si Luna. Tumingin naman ako sa direksyon nila na masayang nag-uusap ni AJ.


"Hindi siya ang rason Diana.
" pagsisinungaling ko. Pero ang totoo si Luna ang rason kung bakit naguguluhan ako. Napapasaya niya ako. Binibigyan niya ako ng kakaibang saya at pakiramdam na hindi ko maintindihan.

"Eh ano?" muling tanong niya. Nakita ko pa rin na pumapatak ang mga luha niya.

"Alam kong hihiwalayan mo pa rin ako ng paulit-ulit. Nagawa mo na ng isang beses at uulitin mo na naman yun. Sapat na rason na yun Diana." mariing sabi ko. Galit na galit pa rin ako. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Ako ba ang mali dito?


"Jared...
bigyan mo ako ng chance." pagmamaka-awa niya. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Lumuhod siya sa harapan ko.


"Please, tama na.
Tumayo kana diyan." paki-usap ko. Pinatayo ko siya.

"Ipagpapalit mo ba ang tatlong taong pinagsamahan natin para lang sa babaeng nakilala mo lang ng ilang araw?" Ang sakit marinig kay Diana ang
papiliin ako.
Hindi ko alam kung magandang batayan ba ang tagal ng pagsasama. Kung ang tatlong taon ba o ang sampung araw lang na magkakilala kami ni Luna. Hindi ako makapagsalita. Pero alam ko kung sino ang pipiliin ko.


" Mamili ka sa amin Jared ako o si Luna?
" tanong niya. Ayokong makasakit sa kanilang dalawa. Kung pwede lang talagang mawala ako at burahin lahat ang nasa isip ko ginawa ko na. Pero alam pa rin ng puso ko kung sino ang nandito.

"Sumagot ka." umiiyak pa rin si Diana. Ngumisi ako. Ngising galit dahil nagpadalos dalos siya ng desisyon niya.


"Hindi mo gugustuhing marinig ang sasabihin ko kaya umalis kana.
" Pagbabanta ko sa kanya. Tumingin ako sa kawalan.

"Sabihin mong ako Jared." pagpipilit ni Diana. Ayokong nasasaktan siya pero ayoko ring masaktan ako.

"Pasensya na." paghingi ko ng tawad. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang humakbang pero tumigil ako ng sandali upang magsalita.

Mali man ang panahong dumating si Luna pero alam kong hindi ako mali ng pinili.


"Pero mas matimbang na sa akin si Luna.
"

Next chapter